Lumalakad mag-isa ang mga binti,
malayo ang tingin ng mga matang namumuti
Tila may sariling buhay ang de-susing katawan
ngunit walang katiyakan, walang patutunguhan
.
Naglalakad na naman ako sa kawalan
Ganito ako, walang masandalan
Tumatakas na naman sa realm ng mga numero,
pormula, pisika, teorya ng mga inhinyero.
Pilit na namang isinusulat ang pluma
at nangangarap na balang araw ay maging summa
kahit malabo, ganito ako, nagdadamdam sa buhay,
sumusulat ng mga tugmang wala namang kulay
di ko alam ang kabuluhan, paroroonan o
pinanggalingan.
Uhaw na naman ang isip sa karunungan
Ganito nga siguro ako, mahilig sa katanungan
Naglalakad na naman ang mga paang walang mabalingan
ng hapo, pagkalito at kalungkutan
kundi ang lumang papel na pinaka-iingatan.
No comments:
Post a Comment