Sunday, September 8, 2013

Naglalakad


Lumalakad mag-isa ang mga binti,
malayo ang tingin ng mga matang namumuti
Tila may sariling buhay ang de-susing katawan
ngunit walang katiyakan, walang patutunguhan
.
Naglalakad na naman ako sa kawalan
Ganito ako, walang masandalan
Tumatakas na naman sa realm ng mga numero,
pormula, pisika, teorya ng mga inhinyero.
Pilit na namang isinusulat ang pluma
at nangangarap na balang araw ay maging summa
kahit malabo, ganito ako, nagdadamdam sa buhay,
sumusulat ng mga tugmang wala namang kulay
di ko alam ang kabuluhan, paroroonan o pinanggalingan.
Uhaw na naman ang isip sa karunungan
Ganito nga siguro ako, mahilig sa katanungan
Naglalakad na naman ang mga paang walang mabalingan
ng hapo, pagkalito at kalungkutan
kundi ang lumang papel na pinaka-iingatan.

Sunday, July 28, 2013

Pareng Huwan

‘Di talaga ko panatiko ng mga tugma,
tunog ko nga’y parang plakang niluma
ngunit nagsulat pa rin ang pluma
gusto mo bang magbasa’t sumama?

Hindi ito parang kwento,
ni Darna, Ding ang bato!
hindi alamat, epiko o mito,
di rin pagkaing parang puto
o pesteng parang kuto.
Ay teka ako’y nalilito!
San napunta ang usapan
tula ba ito?

Alam kong ayaw mo ng ganto,
mga tulang walang kwento
at lalo naman dun sa parang santo,
nakakabagot, nakakainip,
gusto mo yung may sumisilip
yung tipong walang takip,
may naninilip, may nagpapasilip.

Tigilan mo na yan
walang mangyayari kung puro ganyan
di na nga mayaman,
ang himlayan,
kamatayan,
ayan,
di uunlad ang bayan
pag pinairal mo dyan
sa isip mong nawalan ng laman
at kumakalam na tiyan
ay katarantaduhan.
Gumising ka Juan
at tumindig,
para sa kkababaihan
sila’y protektahan
iahon mo naman,
iyong lola sa tahian,
nanay mo sa Bingo-han,
iyong anak sa palaruan,
kapatid mo sa ampunan.
Pare, tama na’ng kalokohan.
(__23 July 2013)

Monday, July 22, 2013

Graduated

It was nearly ten,
Rustling of leaves therein
reminded the eyes
about crying unto this moment.

After 6 years we've spent
our guts and sweat
This, to you I offer
a goodbye thanks,
also for the mighty giver
that guided us all way
from January to December,
The mighty creator,
here’s my gratitude.

This is the moment,
not of the truth
but merely just a glimpse
of our success,
At last I stood up
in an elegant white toga,
leading the young batch
in graduation march.
  
What should I speak?
After all I’m just a geek,
what else but thank you!
Elementary I’ll miss you!

The backdrop music,
like birds—angelic!
Swiftness of joy
just like a little boy
dancing in the rain.
We endure all pain.

I must say,
autumn have fallen,
summer have shone
We sang for a snow;
every season we grow.
But after this all,
the school’s ladder tall
we have climbed!
we have achieved!
we have graduated!

At last what should I say
in all our gay?
I don’t know how
to give our graduation a bow.

(New here, so start fresh. Tula ko noong nasa hayskul pa ako :). )
(__17 April 2009 for San Martin BBC batch 06’-07’ esp. Section A-Marcelo H. del Pilar)

Sunday, July 21, 2013

*Dararatda* Dati..



Great song! 
Who said OPM is dead?
It's right here and ready to kick ass :))
Congratulations to all the winners!
Tippy dos Santos is really good here :))
(credits to philpopmusic's channel)